Ang pagsulat ay isang paraan, para maihayag ang iyong sarili o para maipahayag ang iyong tunguhin para sa bansa o ito'y malayang paraan ng malayang pagpapahayag sa mga mamamayan. Para sa akin ito'y napakahalaga na matutunan ng bawat isa. At dapat itong mapanatili.
Sa pamamagitan nito ay matutulungan ng mga manunulat na maransan at makita nila ang buong mundo. At ang pagsusulat patungkol sa lipunan at iba't ibang uri ng tao ay maaring makapagbukas sa ating mga isipan. Ang bawat pagsulat ng panitikan ay nagtatanghal ng moral sa mga magkakaibang mata sa pamamagitan ng paraan ng iba't ibang pananaw. Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay nakabubuo sa paglikha ng sariling paniniwala, opinyon at pananaw ng isang tao. Salamin din ng literatura ang pagpapakita ng pagkakaiba at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba't ibang lugar. Dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol sa iba't ibang kultura. Pinakamahusay din nito ang kakayahan natin upang makipag-usap sa iba. Daloy rin ng literatura ang pakikipag-isang damdamin natin sa iba at ang pagbibigay daan sa pag-unawa kung anuman ang kanilang nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari. Ang katotohan, ito ay mahabang tulay na nagdurugtong sa sangkatauhan.
At sa aking pagsulat ng panitikan nais kung ito'y patungkol sa Diyos at patotoo sa aking buhay kung paano niya ito binabago. At nais ko rin na ito'y maging patungkol ito sa iba't ibang lugar na nais kong libutin sa ating bansa nang sa gayon ako ay makapaghihikayat ng maraming Pilipino. At kahit na sa pagsulat ay aking maibabahagi ang mga bagay na aking nalalaman.
At nais ko na mahikayat ang marami na sumulat ng kanilang mga saloobin o patungkol sa iba't ibang mga bagay, pagkat sa pamamagitan nito ay ating maipapahayag ang ating mga sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento