Sabado, Setyembre 17, 2016
Takot
Dumating naba sa punto na gusto mo ng sumuko? Sumuko na ipaglaban pa ang bagay na mahal na mahal at gustong gusto mo. Natatakot na kaya baka sa huli masayang lang ang pagod at panahon na nilaan mo. Natatakot ka na baka magkamali ka, na baka masaktan mo lang sila. Natatakot ka na baka 'di mo kakayanin at susuko nalang sila sayo. Takot. Takot na nagbabalot sa ating kakayanan na baka kahihiyan lang ang kahihinatnan. Takot na pumipigil sa ating talento. Takot na hihilain ka pababa para sumuko sa mga pangarap mo. Takot na magwawasak sa'yong puso. Takot na sisira ng buhay mo.Isang salita na nakakakilabot na sayo ay bumabalot. Ngunit huwag kang mangamba. Ang takot ay likha lamang ng ating kaisipan, upang tayo'y mangamba at sumuko. Ngunit kung ikaw ay may tiwala sa'yong sarili at sa Diyos, walang makakapigil sa mga pangarap mo at kanyang mga pangako.Magtiwala ka lamang, ito ang iyong kailangan. Tiwala na alam mong makakaya mo, pagkat siya'y nariyan sa tabi mo upang gabayan ka. Wala kang dapat ipagalala, mga pangako niya'y 'di mawawala, pagkat sa kanya ika'y nagtiwala.Ang Diyos ay handang magpaulan ng pagpapala sa mga taong sa kanya'y nagtitiwala. Ang Diyos sayo'y may regalo, regalong pagmamahal at buhay na walang hanggan. Ika'y ginantimpalaan ng isang kakayahan, kakayahan na akala mo'y wala ka, kakayahan na akala mo'y 'di mo magagawa. Mahal ka niya na walang pagdududa. Lagi mong tandaan siya'y nakikinig sa mga kuwento at hinaing mo. Huwag kang matakot, sa ama ka magtiwala, landas mo'y kanyang pinagpala.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)